Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong magagawa sa umaga bago papasok sa paaralan. Pagising ko sa umaga ay pinaplantsa ko ang uniporme ng aking mga pamangkin. Pagkatapos ay maglilinis ako sa bahay. Kapag may oras pang natitira ay naglalaba ako ng aking mga damit o di kaya'y gagawa ng mga gawain sa iba't ibang assignatura. Kapag wala na ay maghahanda na ako para papasok sa paaralan. Dito lang ako natuto sa iba't ibang gawaing bahay. Sa probinsya namin ay wala ako masyadong ginagawa dahil si Inay ang gagawa nito. Minsan gusto ko nang umuwi dahil nakakapagod dahil sa napakaraming gawain minsan ay pinapagalitan pa ako. Habang tumatagal ay natutunan ko na ang lahat ng ito ay isang paraan upang aking malaman kung gaano kahalaga ang bawat oras. Sa alam ko ay malimit lang na mga paaralan na ganito ang oras ng pagpasok sa paaralan karamihan sa mga pampublikong paaralan ay buong araw ang klase. Kaya napakasuwerte ko dahil dito ako nakapag-aral at marami akong natutunan na mga leksyon.
Ang blog na ito ay patungkol sa sanaysay sa Filipino sa Piling ng Larang
Wednesday, October 16, 2019
Basura'y Itapon sa Tamang Taponan
Simula noong
ako’y dumating dito mga basura’y na kung saan –saan lang. Tapon doon , tapon dito
mga mag-aaral ng walang pakialam. Ano ba ang dapat gawin para sila ay matauhan?
Kailangan itong mabigyan ng solusyon dahil ito ay nagdulot ng iba’t ibang
sakit. Kailangan itong makuhaan habang hindi pa huli ang lahat. Kailan pa ba
ito mabigyan ng solusyon? Bakit nga ba ito nagkaganito? Wala bang nagdidisiplina
sa mga mag-aaral kaya ito nagkaganito ang mga basura? Gayunpaman kahit ganyan sila, hindi
ko pa rin sila sinusunod kahit kitang-kita sa aking mga mata na kahit saan nalang
itapon ang kanilang mga basura ay hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin. Itinatapon
ko pa rin ang aking basura sa tamang lalagyan.
Tuesday, October 15, 2019
Pahalagahan ang Bawat Pagpatak ng Tubig
Ang pagkukulang ng supply ng tubig dito
sa Cebu ay ang hirap. Walang kang magagamit para pang-ligo, pang-luto, walang kang
magagamit sa CR (Comfort Room) at iba pa. Ang iba ay maagang gumising makaabot
lang sa daloy ng tubig ang iba naman ay hindi natutulog dahil nag-aabang kong kailan
tumutulo sa gripo ang tubig. Alam mo ba kung anong pakiramdam ng wala kang
magagamit ng tubig sa CR? Yung pakiramdam na taeng tae kana pero pinilit mong
pinigilan dahil wala kang magagamit na tubig para pang flash ng inodoro. Alam
ko na ang lahat ng iyan ay pagsubok lamang para matuto tayong magpahalaga at kung
paano magtipid ng tubig. Gayunpaman kahit gaano man iyan karami o kaunti ang
patak o daloy ng tubig dapat marunong pa rin tayong magpasalamat sa ating panginoon
dahil hindi tayo pinabayaan.
Friday, October 11, 2019
Kailangang Magtrabaho ng Part Time ang mga Mag-aaral ng Senior High School
Ang mga mag- aaral ng Senior High School at kailangang magtrabaho ng part time. Mahalaga itong pag usapan dahil tayong
lahat ay may iba’t ibang pananaw tungkol sa isyu na ito. Kailangang mag part
time ang mga mag aaral ng Senior High School upang mahasa pagdating sa trabaho.
Katulad ng napapanahong pangako ang
pagkakaroon ng trabaho ng Senior High School ay hinihingi ang seryoso na
pagtatalaga at hindi pa ito ang tamang oras o panahon sa pagpili. Lalong-lalo na nagdagdag pa ito ng pagtaas ng tensiyon
Ang
pag part time job ng Senior High School ay upang maipaunlad ang
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang tao at upang magkakaroon ng pakikitungo sa
sarili.
Kailangang magtrabaho ng part time ang mga
mag aaral ng Senior High School upang maging isang responsable at upang mahasa
pagdating sa mga trabaho. Makaka-ambag na rin sa mga gastusin sa paaralan o proyekto. Ang
pagtatrabaho ng part time bilang isang Senior High School ay napakahalaga dahil
dito mo matutunan kung paano mag balanse ng oras at maging isang responsable.
Dapat Itigil na ang Paggamit ng Plastik na Supot
Dapat itigil
na ang paggamit na ang paggamit na ang paggamit ng plastik na supot. Mahalaga
itong pagtuonan ng pansin dahil malaki laki itong isyu sa ating komunidad. Ang
paggamit ng plastic na supot ay nakakasira o maapektuhan ang ating inang
kalikasan at may possibilidad na humarang sa kanal.
Ayon kay Bellie Redilla Cuento (2019). Hindi problema
ang plastic na supot nasa proper disposal lang iyan. Kung itigil na ang
paggamit na plastik, ano na ang gagamitin sa mga mamimili na maraming bibilhin
lalong lalo na kapag ito’y mabigat. Magka-problema na naman ang mga palengke.
Ayon kay Lissa Bulawan (2012). Dapat talagang
itigil na ang paggamit ng plastic na supot dahil ang mga tao ay wala ng
disiplina sa sarili tapon doon, tapon dito kaya lalong dumadami ang plastik na
supot.
Ang paggamit
ng plastik na supot ay nakakasira o naapektuhan ang ating inang kalikasan at
may possibilidad na humarang ito sa kanal at itong ang dahilan sa pagkakaroon
ng baha at kung ito ay susunugin ang ozone layer naman o ang ating inang
kalikasan ang masisira. Alam ko na alam niyo rin kung ano o gaano kalaki ang
epekto sa paggamit ng plastik na supot kaya itigil na ang paggamit ng plastik
na supot.
Dapat Tanggalin Ang Takdang Aralin
Ang takdang aralin ba ay dapat tanggalin? Mahalaga itong pag usapan dahil
tayong lahat ay may iba’t ibang pananaw tungkol sa isyu na ito lalong lalo na sa
larangan ng edukasyon. Ang takdang aralin ay isang balakid pagdating sa bahay
imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay mas mapipilitan
kang gawin ito dahil ipapasa na.
Ayon kay Ronel Escoto Valencia (2019). Hindi ako sang-ayon. Ang pagkakaroon
ng takdang-aralin ay makakatulong sa mga estudyante na makagawa ng pananaliksik
para mapag-aralan ang kanilang tinatalakay at para matutunan kung paano e-balanse ang kanilang pag-aaral at
responsibilidad sa bahay. Ayon naman kay Charina
Gonzales (2019). Ang takdang-aralin ay pampalakas o pandagdag sa silid-aralan upang
mabuo ng maganda ang gawi sa pag-aaral at lalong lalo na upang magkaroon ng
disiplina ang mga estudyante. At ayon kay Pareb
Kafoud(2019). Maganda pa rin na may
takdang-aralin para maturuan pa ng magulang at para may gawin sila sa bahay kaysa
mag cellphone at magpaubos ng oras sa compyuteran.
Ang takdang
aralin ay nakdagdag sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Harris Cooper ng Duke
University, sa 180 na research studies na inaral niya, wala raw itong
ebidensiya na nakakabuti ang mga takdang aralin sa akademiko ng mga estudyante
sa Elementarya.
Ayon kay Kyla Ann Rabor Ballon (2017). Dapat talagang tanggalin ang takdang aralin dahil
nagbibigay lang ito ng stress o problema sa mga mag-aaral. Lalong lalo na
pagdating sa bahay imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay
pinagtuonan nalang ng pansin ang paggawa ng takdang aralin at mawawalan na ng
oras sa pamilya dahil sa pagkakaroon ng
takdang aralin. Kaya susuportahan ko ang kanilang desisyon na tanggalin ang
takdang aralin.
Ang takdang aralin at isang balakid pagdating sa bahay imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay mas mapipilitan kang gawin ito dahil ipapasa na at natatakot ka baka hindi ka makapasa, at higit sa lahat maraming takot baka bumaba ang kanilang marka dahilan lang sa hindi paggawa ng mga takdang aralin. Ayon kay Leonor Briones (DepEd) Secretary (2019) “I am in favor of this (panukala),” sa isang panayam sa radyo. Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignments, projects, whatever, gawin sa loob ng eskwelahan. Pag-uwi libre na sila, freetime na nila to be with their parents, and with their friends.
Ang takdang aralin at isang balakid pagdating sa bahay imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay mas mapipilitan kang gawin ito dahil ipapasa na at natatakot ka baka hindi ka makapasa, at higit sa lahat maraming takot baka bumaba ang kanilang marka dahilan lang sa hindi paggawa ng mga takdang aralin. Ayon kay Leonor Briones (DepEd) Secretary (2019) “I am in favor of this (panukala),” sa isang panayam sa radyo. Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignments, projects, whatever, gawin sa loob ng eskwelahan. Pag-uwi libre na sila, freetime na nila to be with their parents, and with their friends.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Kahalagahan ng Oras
Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong maga...
-
Ang takdang aralin ba ay dapat tanggalin? Mahalaga itong pag usapan dahil tayong lahat ay may iba’t ibang pananaw tungko...
-
Ang mga mag- aaral ng Senior High School at kailangang magtrabaho ng part time. Mahalaga itong pag usapan dahil tayong lahat ay may ib...
-
Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong may ginawa kaming gawain sa isang asignatura. Simula noon palagi na kaming nagtutulungan sa mga g...