Friday, October 11, 2019

Dapat Tanggalin Ang Takdang Aralin



            Ang takdang aralin ba ay dapat  tanggalin? Mahalaga itong pag usapan dahil tayong lahat ay may iba’t ibang pananaw tungkol sa isyu na ito lalong lalo na sa larangan ng edukasyon. Ang takdang aralin ay isang balakid pagdating sa bahay imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay mas mapipilitan kang gawin ito dahil ipapasa na.

Ayon kay Ronel Escoto Valencia (2019). Hindi ako sang-ayon. Ang pagkakaroon ng takdang-aralin ay makakatulong sa mga estudyante na makagawa ng pananaliksik para mapag-aralan ang kanilang tinatalakay at para matutunan kung paano  e-balanse ang kanilang pag-aaral at responsibilidad sa bahay. Ayon naman kay Charina Gonzales (2019). Ang takdang-aralin ay pampalakas o pandagdag sa silid-aralan upang mabuo ng maganda ang gawi sa pag-aaral at lalong lalo na upang magkaroon ng disiplina ang mga estudyante. At ayon kay Pareb Kafoud(2019). Maganda pa rin na may takdang-aralin para maturuan pa ng magulang at para may gawin sila sa bahay kaysa mag cellphone at magpaubos ng oras sa compyuteran.
Ang takdang aralin ay nakdagdag sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Harris Cooper ng Duke University, sa 180 na research studies na inaral niya, wala raw itong ebidensiya na nakakabuti ang mga takdang aralin sa akademiko ng mga estudyante sa Elementarya.
Ayon kay Kyla Ann Rabor Ballon (2017). Dapat talagang tanggalin ang takdang aralin dahil nagbibigay lang ito ng stress o problema sa mga mag-aaral. Lalong lalo na pagdating sa bahay imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay pinagtuonan nalang ng pansin ang paggawa ng takdang aralin at mawawalan na ng oras  sa pamilya dahil sa pagkakaroon ng takdang aralin. Kaya susuportahan ko ang kanilang desisyon na tanggalin ang takdang aralin.

Ang takdang aralin at isang balakid pagdating sa bahay imbes na makapagpahinga ka at makatulong sa gawaing bahay ay mas  mapipilitan kang gawin ito dahil ipapasa na at natatakot ka baka hindi ka makapasa, at higit sa lahat maraming takot baka bumaba ang kanilang marka dahilan lang sa hindi paggawa ng mga takdang aralin. Ayon kay Leonor Briones (DepEd) Secretary (2019) ā€œI am in favor of this (panukala),ā€ sa isang panayam sa radyo. Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignments, projects, whatever, gawin sa loob ng eskwelahan. Pag-uwi libre na sila, freetime na nila to be with their parents, and with their friends.

No comments:

Post a Comment

Kahalagahan ng Oras

Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong maga...