Tuesday, October 15, 2019

Pahalagahan ang Bawat Pagpatak ng Tubig


            Ang pagkukulang ng supply ng tubig dito sa Cebu ay ang hirap. Walang kang magagamit para pang-ligo, pang-luto, walang kang magagamit sa CR (Comfort Room) at iba pa. Ang iba ay maagang gumising makaabot lang sa daloy ng tubig ang iba naman ay hindi natutulog dahil nag-aabang  kong  kailan tumutulo sa gripo ang tubig. Alam mo ba kung anong pakiramdam ng wala kang magagamit ng tubig sa CR? Yung pakiramdam na taeng tae kana pero pinilit mong pinigilan dahil wala kang magagamit na tubig para pang flash ng inodoro. Alam ko na ang lahat ng iyan ay pagsubok lamang para matuto tayong magpahalaga at kung paano magtipid ng tubig. Gayunpaman kahit gaano man iyan karami o kaunti ang patak o daloy ng tubig dapat marunong pa rin tayong magpasalamat sa ating panginoon dahil hindi tayo pinabayaan.

No comments:

Post a Comment

Kahalagahan ng Oras

Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong maga...