Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong magagawa sa umaga bago papasok sa paaralan. Pagising ko sa umaga ay pinaplantsa ko ang uniporme ng aking mga pamangkin. Pagkatapos ay maglilinis ako sa bahay. Kapag may oras pang natitira ay naglalaba ako ng aking mga damit o di kaya'y gagawa ng mga gawain sa iba't ibang assignatura. Kapag wala na ay maghahanda na ako para papasok sa paaralan. Dito lang ako natuto sa iba't ibang gawaing bahay. Sa probinsya namin ay wala ako masyadong ginagawa dahil si Inay ang gagawa nito. Minsan gusto ko nang umuwi dahil nakakapagod dahil sa napakaraming gawain minsan ay pinapagalitan pa ako. Habang tumatagal ay natutunan ko na ang lahat ng ito ay isang paraan upang aking malaman kung gaano kahalaga ang bawat oras. Sa alam ko ay malimit lang na mga paaralan na ganito ang oras ng pagpasok sa paaralan karamihan sa mga pampublikong paaralan ay buong araw ang klase. Kaya napakasuwerte ko dahil dito ako nakapag-aral at marami akong natutunan na mga leksyon.
Ang blog na ito ay patungkol sa sanaysay sa Filipino sa Piling ng Larang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kahalagahan ng Oras
Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong maga...
-
Ang takdang aralin ba ay dapat tanggalin? Mahalaga itong pag usapan dahil tayong lahat ay may iba’t ibang pananaw tungko...
-
Ang mga mag- aaral ng Senior High School at kailangang magtrabaho ng part time. Mahalaga itong pag usapan dahil tayong lahat ay may ib...
-
Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong may ginawa kaming gawain sa isang asignatura. Simula noon palagi na kaming nagtutulungan sa mga g...
No comments:
Post a Comment