Friday, September 20, 2019

PLAZA INDEPENDENCIA🇵🇭


Plaza Independencia na kung pupunta ka dito, ito ang una mong makikita. Hindi man gaano kaganda pero kapag ikaw ay umiikot ika'y mamamangha. 


Sa unang pag-ikot ko ito ang una kong nakikita ang monumento ni Ramon Magsaysay na ika-pitong Presidente ng Pilipinas ito ay nagsisimbulo para parangalan ang lakas ng loob ng mga bayani noong world war II veterans.



At nakita ko ito ang Cebu Veterans Memorial na itinayo bilang pag-alaala ng mga militarya ng Cebu. Hindi ko pinalipas na magpakuha ng litrato dahil sa napakagandang tingnan na parang abot mo yung mga kamay mo sa langit.



Ito naman ang Tartanilla, ito ang pangunahing transportasyon sa panahon ng mga espanyol ang Tartanilla ang hari ng kalsada noon.

                         
Bago ako umuwi nagpakuha muna ako ng litrato dito dahil para sa akin ito'y napakahalaga. Ito ang monumento ni Miguel Lopez de Legaspi ang unang Heneral ng Gobernador ng Pilipinas sa ilalim ng mga panuntunan ng mga Espanyol.

Realisasyon:
Bilang isang manglalakbay bigyan natin ng parangal at alalahanin ang mga kasaysayan noon at higit sa lahat bigyan natin ng halaga. Dito sa Plaza Indepencia maraming mga magagandang tanawin  maraming mga punongkahoy at mga bulaklak na iyong makikita, makapagpahinga ka pa ng libre.



FORT SAN PEDRO🏚


Bilang isang manglalakbay hindi ko mapakali ang Fort San Pedro sa sobrang ganda neto. Parang kinukuha ang buong atensiyon ko dito. May 30 pesos ka lang ikaw ay makakapasok na at ako'y isang estudyante ako ay may diskwento na 10% at ang aking nabayaran nalang ay nasa halagang 20 peos... Pangakong hinding-hindi ka magsisi dahil sulit ang pagpasok mo sa loob.


                                       

Sa pagpasok ko pa lang ay parang nanlalaki ang aking mga mata at ako'y nabibighani sa sobrang ganda ng paligid na napapaligiran ng mga bulaklak at mga punongkahoy.




Ito ang fox hole Pedro na naging hideout ng mga militar sa panahon ng digman. Hindi man gaano ito ka kagandang tingnan pero pangako'y iyong pagsisihan pag hindi niyo kinuhuhaan ng litrato.



Pwede pa kayong magpahinga dito bilang pampalipas ng oras mararamdaman mo pang na kay ganda ng hanging pumapagaspas.



Hindi ko pa sana balak na umuwi pero gabi na at kailangan ko ng umuwi. Gayunpaman baon ko lahat ng alaala sa pagpunta ko dito. Salamat EL FUERTE de SAN PEDRO dahil sa iyo nawawala lahat ng aking lungkot at pagod.

Realisasyon:
Kapag nakapunta ka dito pangakong iyong balik-balikan. Hindi man gaano ka ganda ang mga larawan na naipakita ko pero marami akong matututunan kung paano magbigay halaga sa mga maliliit na bagay.

Friday, September 13, 2019

Ang Naidudulot ng Teknolohiya sa Edukasyon


Masasabi natin dati na chalk at visual aids lang ay sapat na.



Pero noong  naimbento ang teknolohiya ito ay malaking tulong  sa pag unlad ng edukasyon.



Simula noong ipinatupad ng pamahalaan na pwede ng gumamit ng teknolohiya sa paaralan ay malaking naitulong ang teknolohiya  sa mga mag aaral lalong lalo na sa mga  guro.


Napabilis ang pagtalakay ng leksyon kaysa magsulat ka pa sa pisara ay parang nakakapagod na.



Gayunpaman ang paggamit ng teknolohiya ay hindi naman masama kung ito ay ginagamit natin sa mabuting pamamaraan.

Wednesday, September 11, 2019

Kaibigang Tunay


Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong may ginawa kaming gawain sa isang asignatura. Simula noon palagi na kaming nagtutulungan sa mga gawain sa paaralan.

Ilang buwan ang lumipas mas lalong tumibay ang aming pagkakaibigan. Ang turing namin sa isa't isa ay parang magkapatid na. Minsan kami ay nagkukulitan, nagtawanan at nagbabahagi ng problema.

Kapag may problema ang isa sa amin ay tinutulungan naman ng isa. Kami ang klase magkaibigan na hindi nag-iiwanan. Hindi kasi namin pinapairal ang "pride" na siyang sumisira aa pagkakaibigan.

Pagdating ng recess ay sabay kaming pupunta sa canteen at bibili ng pagkain at pagkatapos ay sabay kaming babalik sa silid-aralan at sabay kaming kakain.Hanggang ngayon ay matibay parin ang aming pagkakaibigan. Ngayon ay mas lalong nakilala pa namin ang isa't-isa dahil kapag may gawain kami ay minsan pumunta siya sa amin at ako naman sa kanila.

Hanggang ngayon ay matibay parin ang aming pagkakaibigan. Ngayon ay mas lalong nakilala pa namin ang isa't-isa dahil kapag may gawain kami ay minsan pumunta siya sa amin at ako naman sa kanila.

Pagkakalungkot

Kung sa tingin mo ay madilim ganyan ang buhay kung puro negatibo at problema ang iyong iniisip. Sabi nga nila hindi lahat ng ngiti ay kasiyahan ang dahilan... Kadalasan kasi iyon ang pinakamatandang paraan para itago ang sobrang kalungkutan. Kung boring ka huwag mong isipin na malungkot ka dahil hindi lang ikaw ang tao dito sa mundong ibabaw.


Aabot sa punto na mas piliin mong mag-isa. Kung iisipin mo mas nakakabuti ang mag-iisa. Alam natin na hindi sa lahat ng panahon may mga taong nagpapasaya sayo.



Nakakalungkot lang na isipin na hindi sa lahat ng panahon may nakikiramay sa iyo. Kaya naman huwag agad susuko, lumaban ka dahil may mga taong nakatalaga na tutulong sa iyo.



Sa dami-dami mg problema, hindi mo namalayan na ika,'y nakatulog. Dahil sa sobrang pag-iisip mo sa iyong problema ang katawan mo ay manghihina. Kapag ika'y nakatulog ang katawan mo ay kumukuha ng enerhiya para pagising mo ay may lakas kana para harapin ang problema.



Kulayan mo ang iyong buhay dahil sabi nga nila ang kulay ay nagbibigay saya sa iyong buhay. Baguhin mo ang ikot ng mundo at tumawid ka sa mga bagay na kinalulungkutan mo.

Kahalagahan ng Oras

Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong maga...