Plaza Independencia na kung pupunta ka dito, ito ang una mong makikita. Hindi man gaano kaganda pero kapag ikaw ay umiikot ika'y mamamangha.
Sa unang pag-ikot ko ito ang una kong nakikita ang monumento ni Ramon Magsaysay na ika-pitong Presidente ng Pilipinas ito ay nagsisimbulo para parangalan ang lakas ng loob ng mga bayani noong world war II veterans.
At nakita ko ito ang Cebu Veterans Memorial na itinayo bilang pag-alaala ng mga militarya ng Cebu. Hindi ko pinalipas na magpakuha ng litrato dahil sa napakagandang tingnan na parang abot mo yung mga kamay mo sa langit.
Ito naman ang Tartanilla, ito ang pangunahing transportasyon sa panahon ng mga espanyol ang Tartanilla ang hari ng kalsada noon.
Bago ako umuwi nagpakuha muna ako ng litrato dito dahil para sa akin ito'y napakahalaga. Ito ang monumento ni Miguel Lopez de Legaspi ang unang Heneral ng Gobernador ng Pilipinas sa ilalim ng mga panuntunan ng mga Espanyol.
Realisasyon:
Bilang isang manglalakbay bigyan natin ng parangal at alalahanin ang mga kasaysayan noon at higit sa lahat bigyan natin ng halaga. Dito sa Plaza Indepencia maraming mga magagandang tanawin maraming mga punongkahoy at mga bulaklak na iyong makikita, makapagpahinga ka pa ng libre.
No comments:
Post a Comment