Wednesday, September 11, 2019

Pagkakalungkot

Kung sa tingin mo ay madilim ganyan ang buhay kung puro negatibo at problema ang iyong iniisip. Sabi nga nila hindi lahat ng ngiti ay kasiyahan ang dahilan... Kadalasan kasi iyon ang pinakamatandang paraan para itago ang sobrang kalungkutan. Kung boring ka huwag mong isipin na malungkot ka dahil hindi lang ikaw ang tao dito sa mundong ibabaw.


Aabot sa punto na mas piliin mong mag-isa. Kung iisipin mo mas nakakabuti ang mag-iisa. Alam natin na hindi sa lahat ng panahon may mga taong nagpapasaya sayo.



Nakakalungkot lang na isipin na hindi sa lahat ng panahon may nakikiramay sa iyo. Kaya naman huwag agad susuko, lumaban ka dahil may mga taong nakatalaga na tutulong sa iyo.



Sa dami-dami mg problema, hindi mo namalayan na ika,'y nakatulog. Dahil sa sobrang pag-iisip mo sa iyong problema ang katawan mo ay manghihina. Kapag ika'y nakatulog ang katawan mo ay kumukuha ng enerhiya para pagising mo ay may lakas kana para harapin ang problema.



Kulayan mo ang iyong buhay dahil sabi nga nila ang kulay ay nagbibigay saya sa iyong buhay. Baguhin mo ang ikot ng mundo at tumawid ka sa mga bagay na kinalulungkutan mo.

No comments:

Post a Comment

Kahalagahan ng Oras

Sa pagpasok ko sa paaralan mula sa ikalawang ng hapon at magtatapos sa ikapito ng gabi ay napakagandang iskedyul dahil marami pa akong maga...